Panoorin: Dating NPA, Binulgar ang “Baho” ng Mga Martial Law Victims at EDSA People Power (Video)

Isang dating myembro ng New People’s Army (NPA) ang pumayag na ma-interview, at isinawalat ang ayon sa kanya ay mga kamalian sa history tungkol sa Martial Law ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, at sa 1986 EDSA People Power Revolution. Panoorin si pagkwento ni Ka Perry Callanta sa video na mapapanood nyo sa ibaba.

Sa interview kay Ka Perry ng isang millennial na nagngngalang Patricia, ang unang tanong ay kung bakit siya sumali sa NPA. Ayon sa kanya, estudyante siya noong dekada 70 at naging aktibista siya dahil naniniwala sya na dapat baguihin ni Marcos ang sistema. Sinabi nya na kaya daw nag-declare ng Martial Law si Marcos noong 1972 ay dahil sa NPA.

“Ano nga po ba ang Martial Law?”, tanong ni Patricia kay Ka Perry. “Sinasabi nga, na ‘Winners rewrite history.’ Pag sinabing winners, sila yung nanalo sa EDSA, sila yung gagawa ng kasaysayan…At naniniwala ako na yung aming gagawan (bilang NPA) ay rason para mag-declare ng Martial Law.” Sagot ng dating myembro ng NPA sa kanya.

Must Read: * Anti-Marcos Burial Protester ‘Admits’ Receiving P500, Complains Budget for Food Stolen by Organizer?

“Kung talagang bawal ang Martial Law, tinanggal na sana yan sa konstitusyon. Pero nakalagay pa rin sa konstitusyon ni Cory (Aquino), sa 1987 Constitution. Sinasabi nila, si Apo (Marcos) ay Hitler, berdugo. Kung berdugo si Apo, dapat lahat ng NPA, dapat lahat ng nag-rally rally, dapat pinagpapatay na ni Marcos.” Paliwanag ni Ka Perry sa millennial.

Sinabi din ni Ka Perry na ang humuli sa kanya ay ang Metrocom at PC (Philippine Constabulary, na noon ay nasa ilalim ni Fidel V. Ramos. Ganunpaman, sinabi nya mali ang naging desisyon na sumali siya sa NPA at mamundok. Akala daw kasi nila na kakampihan sila ng mga nasa probinsya, pero hindi ito nangyari dahil ayaw nila ng gulo.

Dagdag pa ng dating NPA, baka nasa 7,500 lang sila at hindi ang napabalitang nasa 100,000 daw sila. Naniniwala din daw siya malamang, kaya dumami ang nagsabing naging biktima ng Martial Law ay dahil sila ay “nainitan” na sa EDSA Revolution. Ang tunay daw na biktima ng Martial Law ay “collateral damage” o mga naipit sa mga labanan.

Must Read: * LP Offers P1K Per Head to Join EDSA People Power Anniversary 2017, But Organizers to Give P500 Only?

“Sino ba ang ayaw magpalista kung tatanggap ka ng P1 milyon? Sino ba yung broker? Kaya nga di nila tinatanan si Marcos, wag ilibing, hukayin si Marcos, masasama yang sila Bongbong, ay dahil sa pera. Dahil pag nawala na yang isyung Marcos, baka makalimutan na yung isyung claim…Marami nang kwentong kutsero ngayon.” Sabi ni Ka Perry Callanta sa huli.

Comments

comments