Panoorin: College Building sa Loob ng Davao City Jail Matatapos na, Kauna-unahan sa Pilipinas (Video)

Malapit nang matapos ang itinatayong kolehiyo sa loob ng Davao City Jail. At kapag ito ay bukas na, maaari nang mag-enrol doon ang mga bilanggo, at matutupad na ang kanilang pangarap na makatapos ng college kahit sila ay nakakulong. Ito ang kauna-unahang formal college school sa loob ng isang bilangguan. Panoorin ang GMA News video.

Ayon sa ulat, 95 percent nang tapos ang nasabing dalawang palapag na eskwelahan sa loob ng Davao City Jail. Magtutulong ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 11 at University of Southeastern Philippines (USEP) na pumili ng mga qualifed na inmates base sa kanilang natapos na pag-aaral at ugali sa loob ng kulungan.

Gaya ng ordinaryong kolehiyo, mayroon ding diagnostic tests at academic requirements bago makapag-enrol ang mga inmates. Sa ngayon, Ang mga 4-year college courses na available ay Social Science, English, Psychology, Education, at Information technology (IT). Papayagan ding mag-enrol ang mga graduates ng Alternative Learning System (ALS).

Sa mga susunod pang school year, plano ding idagdag ang iba pang mga kurso sa college para mas maraming mapagpiliian ang mga inmates. Sa tanya ng BJMP, 200 estudyante sa kayang tanggapin ng school sa loob ng 1 semester. Mga 50-60 inmates ang inaasahang makakapag-aral na ng college sa darating na pasukan, sa Hunyo.

Sinasabing aabot sa 3,000 inmates ang nakakulong ngayon sa Davao City Jail. Sa isang naunang panayam kay BJMP-Davao Jail Superintendent Grace Taculin, sinabi niyang ang preso ay may karapatan ding makatapos ng college. Ito ay upang matulungan nyang muling ibangon ang sarili mula sa kanyang kamalian, at maging mas kapaki-pakinabang.

Samantala, titiyakin naman daw ng BJMP ang kaligtasan ng mga guro ng USEP na siyang magtuturo sa mga estudyanteng preso, lalo na at ang nasabing eskwelahan ay malayo naman sa mismong mga selda. Ang nasabing school building na may anim na classrooms ay nagkakahalagang P2 million na galing sa Social Enterprise Inc. (SEI).

Comments

comments