Panoorin: Bus Holdaper, Patay sa Pasaherong Pulis na Naka Civilian, Pinuri ng CHR (Video)

Isang holdaper ng bus ang napatay ng isang pulis na nagkataong isa din sa mga pasahero ng bus na kanyang hinoldap. Naganap ang insidente sa Kamuning, Quezon City nitong Martes, April 4. dakong 3:00 AM. At sa isang pambihirang pagkakataon, pinuri ang pulis ng isang taga CHR (Commission on Human Rights). Panoorin ang TV5 news video sa ibaba.

Ayon sa report, binabagtas ng isang Diamond Star bus sa Kamuning flyover malapit sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station, nang biglang tumayo ang isang lalaki at nagpunta sa gawing harapan sabay nagdeklara ng holdap. Ang hindi nya alam, nakaupo sa may harapan si PO2 Joselito Andrade, na di naka uniform dahil off-duty na.

“Tumakbo sa harap ko, Sir. Sabi nya holdap. Nung pagtakbo nya, nagpapaputok na. Nakita ko na yung baril nya patutok na sa akin.” Paliwanag ni Andrade kay QCPD Director Chief/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar sa harap ng mga reporters. Ang matapang na pulis ay naka assign sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame.

Dapat Panoorin: * Holdaper sa Dasmarinas, Cavite, Nagmamakaawa Habang Inaaresto, CHR Umalma (Video)

Napag-alaman na ang napatay na holdaper ay may dalawa pang kasabwat sa loob ng bus. Sumuko sila PO2 Andrade matapos nya kapkapan isa isa ang laha ng pasahero. Naaresto sila. Nakuha sa kanila ang isang balisong at .38 caliber na baril. Mabilis na dumating ang back-up na tinawagan sa matapang na pulis.

Hindi nabanggit sa report pero ayon sa Abante, ang napatay na holdaper ay kinilalang si Eduardo Gimenteza. Ang dalawang niyang kasamahan na naaresto ay sina James Medrona y Lim, 32, na nakatira sa F. 10 Avenue Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City, at isang Mark Lee Mahinay y Jumanguin, 27, na taga San Mateo, Rizal.

Dapat Panoorin:* Holdaper ng Jeep sa QC, Patay sa Engkwentro Laban sa Pulis, CHR Umalma (Video)

Samantala, pinuri ni Atty. Laila Deluvio ng CHR na nakadestino sa QC ang ginawa ni PO2 Andrade. Sa isang maigsing panayam, tinawag nyang bayani ang magiting na pulis. Bagamat napatay ang isa sa mga holdaper, pinagtanggol lamang ng pulis ang kanyang sarili at kapwa pasahero. Wala daw violation of human rights na nangyari lalo na at buhay ang ibang suspects.

Comments

comments

No Responses