Panoorin: Bishop Bacani sa Kanyang 2 Asawa na Sinabi ni President Duterte, “Para Siyang Sira” (Video)

“Para siyang sira” – Ito ang naging tugon ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa sinabi ni President Rodrigo Duterte na dalawa daw ang asawa ng dating obispo ng Novaliches. Binanggit ito ng pangulo sa kanyang speech nito lang Martes sa harap ng mga naulilang pamilya ng mga myembro ng SAF 44. Panoorin ang video ng GMA News sa ibaba.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat basahin ang librong ‘Altar of Secrets’ ng yumaong multi-awarded journalist na si Aries Rufo noong 2013. Dito ay ibinulgar ang diumanong ‘sex, corruption, politics’ sa loob ng Simbahang Katoliko. Hinamon nya din ang mga obispo na sabay silang mag-resign kung mapapatunayan na siya ay nagsisinungaling.

“The priests, we are both rowdy. Read that book. My opening remarks [is dedicated to] Bacani. That son of a b****, Bacani has two wives like me. Stupid. Then, that monkey would speak that way. Son of a b****…If you say that I’m lying and I don’t have the right to curse, I will resign. There’s no problem with that.” Pagalit na sinabi ni President Duterte.

Dapat Basahin: * Archbishop Oscar Cruz kay President Duterte: “Huwag Mong Kalabanin ang Simbahan, Hindi ka Tatagal”

“But if you have been able to read that, I will tell the bishops, many of them, ‘We have the same ignominy – women. But you are into corruption. I am not into money, just into wome. So I am limited to that.'” Dagdag ng pangulo, na noon pa tinutiligsa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

Samantala, itinanggi ni Bishop Bacani ang parating sa kanya ni President Duterte sa pagkakaroon ng 2 asawa, at siya daw ay naaawa sa pangulo. “If he [said] that, I pity him. Parang sira. I pray for him. If Duterte were not immune from suit, I would sue him for defamation and libel.” Sabi nya sa kanyang pinadalang text message sa GMA News.

Dapat Panoorin: * Mga Pang-aabusong Sexual ng mga Pari, na Pinagtakpan ng Catholic Church (Documentary Video)

Matatandaan na umalingawngaw ang tinawag na Bacani scandal noong 2003, nang ireklamo ang obispo ng isa nyang dating sekretarya na si Carolyn ng diumanong pamomolestiya. Sa tulong ng grupong Gabriela, nakarating sa Vatican ang nasabing kaso, at napilitang magresign ni Bacani, bagama’t itinanggi nya na minolestiya nya ang babae.

Comments

comments

No Responses