Panoorin: Batang Lalaki, Pinagsisipa Ang Ina Dahil Ayaw Siya Payagang Maglaro ng Smartphone (Video)

Isang spoiled na batang lalaki ang huli sa camera na maraming beses na sinipa ang sarili nyang ina. Ang dahilan? Ayaw siya nitong payagang maglaro gamit ang kanyang smarthphone. Ang nasabing insidente ang naganap sa loob ng isang ospital sa Guangzhou, sa Guangdong Province, China. Warning: Maselan ang nilalaman ng video. Bawal sa mga bata.

Ayon sa report ng People’s Daily Online noong January 9, isang pahayagan sa China, kasama ng batang lalaki na tinatayang nasa 9 o 10 taong gulang ang kanyang ina at lola sa isang ospital na hindi binanggit ang pangalan. Hindi rin binanggit ang mga pangalan ng ina at lola ng pasaway na bata, pati kung kailan nangyari ang nakaka-alarmang insidente.

Ayon sa parehong ulat, ang lola ng bata daw talaga ang may sadya sa nasabing ospital. Sa video, makikita nyo na ang batang lalaki (naka-blue na sweatshirt) ay kaharap ng kanyang lola, at ang kanyang ina ay nasa likod nito at nasa may pader. Kitang-kita na ang bata ay ilang beses sinipa ang kanyang sariling ina gamit ang kanan at kaliwang paa nito.

Makikita din na sinasaway ng lola ang kanyang apo pero ayaw nito tumigil sa pagsipa. Samantala, ang ina naman ay tila walang magawa kundi saluhin at tiisin na lamang ang mga sipa ng kanyang spoiled na anak. Maya maya, umupo na ang lola pero tuloy pa rin ang pagsipa ng pasaway na bata sa kanyang ina, na tila pinakikiusapan lang ang anak.

At bagama’t hindi maintindihan ang mga sinasabi ng mga Chinese na ito, sabi ng isang reporter, nagalit daw ang bata sa ina at pinagsisipa ito dahil ayaw siya nitong payagang maglaro gamit ang smarthphone. Ang mahigit na 10 seconds video na ito ay naging viral na sa mga networking sites sa China, at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

Maraming nagalit sa bata dahil sa pagkawalang-galang niya sa sariling ina, pero mas marami ang nagalit sa ina dahil sa pagpayag nito na basta na lang siyang sipain ng paulit-ulit ng sarili nyang anak. Samantala, kami dito sa Taho News ay naniniwala ang mga magulang ay may mabigat na responsibilad sa kung ano man ang ugali ng kanilang anak.

Comments

comments