Panoorin: Bataan Transit Bus, Nakasagasa ng Ina, 2 Batang Tumatawid sa Pedestrian Lane (Video)

Isang mabilis na Bataan Transit bus ang huling huli sa CCTV na nakasagasa ng tatlong katao na tumatawid sa pedestrian lane. Naganap ang insidente sa harap mismo ng isang eskwelahan sa Prado Saba, Lubao, Pampanga, noong Huwebes, February 9, mga 7:58 ng umaga. Warning: Ang video na mapapanood nyo sa ibaba ay may maselan na eksena.

Sa simula ng CCTV video na naka-upload sa Bataan Weather Page Facebook page, makikita na maraming tumatawid sa pedestrian lane sa harap ng Prado Saba Elementary School. Kita din na may isang lalaki na naka puting tshirt at cap na tila nagsilbing traffic aide sa gitna ng kalye. Ang siste, isang babae na may kasamang 3 bata ang huling tumawid.

Habang sila ay tumatawid, pumunta na sa tabi ang nagsilbing traffic aide. Sa hindi inaasahan, isang mabilis na Bataan Transit bus na may Body No. 2942 ang biglang sumulpot mula sa kaliwang bahagi ng kalye. Huli na nang nakita uli ng traffic aide at ng babae, kaya hindi na nagawang iligtas ang sarili ang kanyang dalawang anak.

Dapat Panoorin: * Motorcycle Rider Nag Counterflow sa School Zone, Nabundol ang 2 Batang Estudyante (Video)

Ang mga biktima ay kinilalangn sina Ginang Alma Lalic Alfaro, 38 taong gulang, at ang kanyang dalawang anak na sina Ann Lorraine, 6 taong gulang, at Lorenz Albert, 3. Ang batang babae ang unang nahagip ng bus, at sumunod ang kanyang ina. Ang pinabatang biktima ay kitang tumilapon, at muntik pang masagasaan ng bus kung hindi ito huminto.

Samantala, maswerte namang nakaiwas ang isa pang batang lalaki na kasabay nilang tumatawid. Nasa pinakadulong kanang bahagi ang nasabing bata, at napatakbo siya pabalik. Hindi binanggit ang kanyang pangalan, pero maaaring isa din siya sa mga anak ng babaeng biktima, dahil magkahawak sila ng kamay ng pinakabatang biktima.

Dapat Panoorin: * Hyundai Bridal Car sa Lucban, Quezon, Mabilis na Humarurot, Nakasagasa ng 18 Tao (Video)

Sa ngayon, walang impormasyon kung ano na ang lagay ng mga biktima at kung ano pangalan ng driver. Samantala, kami dito sa Taho News ay nagtatanong. Bakit pumunta na sa gilid ang traffic aide kahit hindi pa lubos na nakakatawid ang mag-iiina. Higit sa lahat, bakit hindi huminto ang bus driver habang nasa pedestrian lane, lalo na at school zone?

Comments

comments

No Responses