Panoorin: Baclaran Metrolink Bus Driver na Pasaway, Sinipa ang Traffic Enforcer Tsaka Tumakas (Video)

Isang pasaway na Baclaran Metrolink bus driver ang nag beast mode nitong Miyerkoles, March 7. Ito ay malaman nya na kinukunan ng video ang ginawa nyang paghinto sa bawal na lugar para makakuha ng pasahero. Ang mas masama, sinigawan at sinisipa sipa nya ang traffic enforcer, at mabilis na hinarurot ang bus. Panooring mabuti ang video sa ibaba.

Ayon sa nag-upload ng video sa Facebook na si Alyanna Soterio, naganap ang insidente sa may Centris, kanto ng EDSA at Quezon Avenue, sa Quezon City. Bagama’t hindi nakuhanan ng video, sabi ng netizen, muntik na makaipit ng rider ang bus nang ito ay huminto sa nasabing lugar. Tingin naman, siya o kasama nya ang tinutukoy nyang rider.

“Sige, pumorma ka ngayon!” Sabi ng kumukuha ng video sa kundoktor ng bus, na sinamatala ang pagkakataon at nagtawag ng pasahero kahit bawal sila dun. Bigla namang bumaba ang bus driver na naka red T-shirt at pilit na hinahawi ang camera paiwas sa kanya. Di naman natinag ang lalaki, at tuloy ang kuha nya ng video sa pasaway na driver.

Dapat Panoorin: * Driver na Nag Counterflow at Nagbalak Pang Tumakas, Huli Agad ng Nakasabay na HPG (Video)

Maya maya pa, nakipagtalo ang nasabing Metrolink bus driver sa traffic enforcer, at tila iginigiit nya na wala namang nag reklamo laban sa kanya. Ang konduktor naman ay parang walang pakialam at tuloy ang tawag ng pasahero. Nang ayaw tumigil ng pasaway na driver, sinabihan na ng enforcer ang kasama nya na tumawag na siya ng pulis.

Nang marinig ito ng bus driver, dali daling siyang umaykat ng bus. Pinigil siya ng traffic enforcer, pero sinipa sipa nya ito hanggang sa maka-upo na sa upuan nya, at mabilis na pinatakbo ang bus papalayo. Ang sangkot na Baclaran Metrolink bus ay may body number B622, at plate number ACC 9702. Kitang kita sa camera ang mukha ng driver at kundoktor.

Dapat Panoorin: * Rainbow Express Bus Driver Nag Counterflow, Nag Beast Mode at Balak Pang Manakit (Video)

Alyanna Soterio Facebook

Sa ganang amin dito sa Taho News, naiintindihan namin na kelangang kumita din ang mga bus driver. Pero hindi ito ikatwiran para hindi sumunod sa batas trapiko at maging siga sa EDSA. At kung wala naman silang ginagawang masama, hindi sila dapat magalit o manakit kung may camera. Sana ay mahuli agad ang pasaway na bus driver na ito.

Comments

comments

No Responses