Panoorin: Babaeng Sangkot sa Malakawang Car Rental Scam, Arestado (Video)

Isang babae na diumano sangkot sa malawaking car rental scam (rent-sanla) ang naaresto ng mga pulis kamakailan sa isang entrapment operation. Ang suspect ay kinilalang si Ana Pamplona Borlon, 30, may-asawa, na may mga iba palang kasong estafa na kinasangkutan. Panoorin sa ibaba ang video ang TV Patrol ngayong Linggo, February 19.

Ayon sa report, nagsanla si Borlon ng dalawang Toyota Fortuner sa halagang P1.5 milyon kahit hindi siya ang registered owner ng mga ito. Sabi ni QCPD Station 2 Commander Supt. Igmedio Bernaldez, fake ang absolute deed of sale na ginamit sa pangsanla ng mga sasakyan. Nabawi na ng tunay na may-ari ng mga SUVs pero hindi na ang perang pinagsanlaan.

Depensa naman ni Borlon, ginamit lang daw ng isang grupo ang pangalan nya para sa transaksyon, at hindi daw nya alam na illegal ang mga papeles. Pero hindi kinagat ng puliya ang kanyang katwiran dahil nadiskubre na ang suspect pala ay mayroon ng 14 na warrant of arrest mula sa Zambales, Benguet at Laguna sa iba’t ibang modus operandi.

“Hindi ko naman talaga magagawa sa kanila yun, tsaka nakita nyo naman na nataon lang na namatay ang nanay ko nung January.” Paiyak na sinabi ni Ana Pamplona Borlon sa interview ng ABS-CBN News reporter. Ganumapaman, hinihikayat ng pulisya ang mga iba pang posibleng naging biktima ng suspect at magsampa din ng mga kaukulang kaso.

Matatandaang 60 sa daan-daang biktima ng malawakang rent-a-car scam na ito ang lumutang noong nakaraang linggo lang. Ayon sa kanila, madali lang daw na naengganyo na paupahan ang kanilang mga sasakyan dahil sa malaking halagang inalok sa kanila buwan-buwan. Ang hindi nila alam, naisanla na sa iba ang mga ito.

Sa ngayon, iniimbesitigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang car-rental scam na ito sa utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. Ang mga umano’y mga mastermind ay sina Rafaela Anunciacion at Tychicus Historillo Nambio, na kapwa naaresto na. Ang isa pang suspect na si Lea Constantino Rosales ay malaya pa.

Comments

comments