Panoorin: Babaeng Call Center Agent, Patay sa 17 Saksak Matapos Samahan Lang ang Kaibigan (Video)

Isang babaeng call center agent ang patay sa Tanza, Caivte, matapos saksakin ng 17 beses ng kinakasama ng kanyang kaibigan. Ang biktima ay kinilalang si Ma. Raziel Joy Raz Alfaro, isang masugid na fan ni Maine Mendoza, at ang suspect naman ay si Shannon James Bon Buckley. Panoorin ang detalye ng balita sa GMA News video sa ibaba.

“Ang tagal naming inalagaan ‘yung anak [namin], pinag-aral tapos ganito. Hindi naman puwedeng buhay sa buhay kasi may batas tayong pinaiiral kaya dapat po madaling hustisya na lang.” Sabi sa interview ng ama ng biktima na si Romeo Alfaro. Ayon sa report, sinamahan lang ng biktima ang isang kaibigan na si Nyar Yee Chan sa Tanza.

Sabi ni Chan, may hawak na patalim ni Buckley at kakaiba na ang itsura nito nang makipagkita sa kanila. Pero nang sinita niya ito, lagi daw itong dala at pang self-defense lamang daw ito. Sabi naman ng imbestigador ng PNP Tanza na si PO3 Israel Villela, pinagbintangan daw ni Buckley na pinagkakalat ni Chan na isa siyang drug user.

Sa ngayon, tuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang pinaghahanap pa si Buckley, na kita sa CCTV na mabilis na tumakas matapos ang insidente. Sinampahan na siya ng kasong murder, pero itinuturing pa rin ng pulisya si Chan bilang ‘person of interest’ lalo na at bagong magkakillala lang daw sina Chan at Alfaro, na kilala din bilang si Ate Razi.

Paliwanag naman ni Chan, nag text pa daw sa kanya si Buckley matapos ang pananaksak, at binantaang babalikan ito pag tumestigo ito laban sa kanya. Pinakita nya ito sa sa camera, bilang patunay na totoo ang sinabi nya. Pero kahit pina-blotter na nya ang suspect, susuriin pa daw ng pulisya ang kanyang cellphone at mga lamang texts.

Samantala, nagpa-abot na ng pakikiramay si Maine Mendoza sa mga naiwan ni Ate Raz, na opisyal ng isa sa kanyang mga fans clubs, na tinawag na The Maine Girls. Ayon sa phenomenal Dubsmash Queen ng Pilipinas, nagulat siya sa pangyayari at nagpaasalamat siya sa suporta nito. Sana din daw at mabigyan ng hustisya ang kaso nya.

Comments

comments