Panoorin: Babae sa Red Ribbon, Pinalitan ng P100 ang P1,000, Buti Di Nagpaloko Yung Cashier (Video)

Isang babae sa isang branch ng Red Ribbon Bakeshop ang huling huli sa CCTV na pinalitan ng P100 ang P1,000 na inabot sa kanya ng cashier. Mabuti na lang at smart ang nasabing cashier, at hindi sya nagpaloko sa modus operandi ng babae. Naganap ang insidente noong February 1, dakong 8:24 ng gabi. Panooring mabuti ang video sa ibaba.

Sa video, makikita ang isang babae na lumapit sa cashier ng Red Ribbon. Hindi dinig ang kanilang usapan, pero makikita na may inabot ito na mga peso bills sa cashier. Ayon sa nagkwento sa video, gusto sana ng babae na magpapalit ng pera. Inabot nya ang isang P500 bill at 5 P500 bills sa cashier, at gusto nya sanang maging buo itong P1,000 bill.

Habang binibilang ng cashier ang pera, kumuha siya ng P1,000 bill mula sa cash machine at iniabot nya sa babae. Patuloy na nagbilang ang cashier, kaya hindi nya nakita na mabilis na ilagay ng babae ang P1,000 bill sa kanyang wallet, at kumuha ng P100 bill. Sinabi nya sa cashier na P100 bill lang ang inabot nito sa kanya, imbes na P1,000 bill.

Dapat Panoorin: * Babae, Inipit ang P100 Sukli sa Kilikili, Pasimpleng Sinoli Nang Makita Niya CCTV (Video)

Ipinakita ng babae sa cashier ang P100 bill na hawak nya, pero iginiit ng cashier na P1,000 bill nya. Sa huli, walang nagawa ang babae kundi lumabas. Sabi sa video, tila natakot ang babae dahil may staff ng Red Ribbon na dumating. Maari din namang nakahalata ang babae na may CCTV, at baka nabisto ang balak nyang panloloko.

Dapat Panoorin: * Lola sa Bulacan, Ginagamit ang Babaeng Apo sa Pagnanakaw sa Mga Tiangge (Video)

Dapat Panoorin: * Tindahan sa Pasig City, Muntik Nang Mabiktima ng Palit Pera Modus Operandi (Video)

At kahit na hindi nagtagumpay ang modus operandi ng babae, masasabi natin na mas malakas na ang loob ngayon ng mga magnanakaw. Hindi na sila marunong matakot kahit alam nila na posibleng makita sila sa CCTV, at nagbibihis na din sila ng maayos para hindi paghinalaan. Kaya payo namin dito sa Taho News, mag-doble ingat at maging mapanuri.

Comments

comments

No Responses