Panoorin: Babae, Nakaladkad ng Riding in Tandem na Umagaw sa Bag Niya sa Pedro Gil, Taft Ave (Video)

Isang babae ang nakaladkad ng malayo ng riding in tandem sa may Pedro Gil LRT Station sa Manila, nang agawin nila ang bag nito. Ang nakakapanlumong pangyayari ay naganap nito lang Linggo, April 2 at kitang kita sa CCTV ng nasabing lugar. Warning: Masalen ang nilalaman ng video na mapapanood nyo sa ibaba.

Sa video, makikita ang isang babaeng na naglalakad sa Pedro Gil st papunta sa Taft Ave. Mapapansin na nasa may gilid ng kalye pero hindi sa mismong sidewalk. Ilang saglit pa, dumating ang isang nakamotor na naka helmet ng orange, na may isang angkas na naka dilaw na t-shirt. Bumagal ang takbo ng motor pag tapat nito sa babae.

Biglang hinablot ng angkas ng motor ang bag ng babae na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat. Bumilis uli ang motor at hindi binitawan ng babae ang kanyang bag kaya napasama siya. Pero imbes na bitawan ng magnanakaw ang bag, binilisan pa lalo ng rider ang motor, hanggang sa matumba na ang babae at nakaladkad sa kalye.

At kahit ganoon na ang sitwason, hindi pa rin huminto ang riding in tandem sa pagkaladkad sa kawawang babae. Makikitang umabot na sila sa Taft Ave at lumiko pa sa kaliwa, pero hindi pa rin bumitaw ang biktima, at ayaw din itong bitiwan ng magnanakaw. At bagama maraming naka saksi, wala silang nagawa sa bilis ng pangyayari.

Sa ngayon, walang impormasyon sa pangalan ng babae at kung ano na ang lagay niya. Hindi pa rin nahuhuli ang mga walang puso na riding in tandem na ito. Sa kamaaang palad, hindi makita sa CCTV ang plate number ng motor na ginami nila, ganun din ang mukha ng angkas ng motor na may takip din ang ulot pero tila hindi helmet.

Must Watch: * Police Shoots Suspected Robber in Motorcycle Riding-in-Trio in Manila (Video)

Kami dito sa Taho News ay nanawagan sa mga awtoridad na gawin ang lahat para mahuli agad ang mga magnanakaw na ito. Sana din, maging silbing aral ito sa mga naglalakad sa kalye lalo na sa mga kababaihan. Sa sidewalk lamang maglakad, at ilagay ang bag sa safe side, o kung saan mahihirapan itong agawin.

Comments

comments