Panoorin: Babae, Inipit ang P100 Sukli sa Kilikili, Pasimpleng Sinoli Nang Makita Niya CCTV (Video)

Mag-ingat! Isang matandang babaeng magnanakaw ang inipit ang P100 sukli sa kanyang kilikili para malamangan ang tindera. Pero pasimple niya itong sinoli nang malaman nyang kita sa CCTV ang kanyang modus operandi. Nangyari ang insidente nito lang Biyernes, February 3 sa, dakong 8 ng umaga sa loob ng isang palengke. Panoorin ang video sa ibaba.

Sa simula ng video, maririnig na nagtanong ang matandang babae kung may tindang cocoa na gamit sa sampurado. Sumagot ang lalaki, at sinabing tableya lang ang meron sila. Mas masarap daw ito, dagdag ng isang babae sa loob ng tindahan. Namahalan ang matandang babae sa presyo nito, pero sabi ng tindera ay double-purpose naman ito.

Nagkunwaring nakumbinsi ang matandang babae, at sinabing yun na lang ang kanyang bibilihin. Sinabi nya na huwag nang itong ibalot, at isama na lang sa kanyang ibang pinamili na nasa loob ng isang plastic. Maya-maya pa, kumuha siya ng P500 bilang bayad, nilagay nya ito sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ito ng lalaki, at ibinigay sa kanya ang sukli.

Must Watch: * Beware: Woman Does Siksik-Kiki Modus Operandi Caught on CCTV (Video)

Makikita sa video sa malakas ang boses ng lalaki habang binibilang nya ang sukli, para sigurado siya na tama ang kanyang bilang, at nilagay nya ito sa palad ng matandang babae. Nang tumalikod ang lalaki, kitang-kita sa video na mabilis na inipit nung magnanakaw ang isang P100 sa kanyang kaliwang kili-kili, at sinabing kulang ang sukli.

“Apat po yan, Ate.” Sabi ng lalaki sa matandang babae, pero iginiit ng huli na 3 lang. Bilang patunay (kuno), nilabas nya ang kanyang ibang pera, at pinakita ang kanyang bulsa. Nakangiti pa ang magnanakaw, at magalang na sinabing tatlong P100 lang ang kanyang natanggap. Pero maya-manapansin nito na may CCTV pala ang tindahan.

Dapat Panoorin: * Panoorin: Babae sa Red Ribbon, Pinalitan ng P100 ang P1,000, Buti Di Nagpaloko Yung Cashier (Video)

Must Watch: * Disabled Thief Caught on CCTV Stealing Wallet Inside Mall Arcade (Video)

Halatang nataranta ang matandang babae, lalo na sinabi ng tindera na papanoorinn din muna yung CCTV. Nang makakuha ng tyempo, agad nyang kinuha ang P100 sa kanyang kilikili at hinagis ito sa may gilid ng lamesa. Nagkunwari syang may nakitang P100 at sinabi nya sa lalaki na posibleng nalaglag lang ito. Ibinigay ito sa kanya, at siya’y umalis na.

Comments

comments

No Responses