Panoorin: Akyat-Bahay sa Tanauan, Batangas Patay Nang Makipagbarilan sa May-Ari ng Bahay (Video)

Isang myembro ang akyat-bahay ang nabaril at napatay ng mismong may-ari ng bahay. Naganap ang insidente sa Bgy. Banadero, Tanauan City, Batangas nitong Linggong madaling araw, February 28. Huling huli sa CCTV ang nasabing suspect habang nasa loob ng bahay ng kanyang ninakawan. Panoorin ang ABS-CBN News TV Patrol video sa ibaba.

Kinilala ng Tanuaun City PNP, ang suspect na si Edwin Villasanta, na ginawang pantakip sa kanyang mukha ang suot nyang T-shirt para di sya makilala sa CCTV. Hindi umamo naka-lock ang bagong gawang pinto ng bahay, kaya madaling nakapasok ang nasabing magnanakaw. Kita din na may dala din itong cellphone, na nasa kanyang bawyang.

“Pagpasok na ganyan since nabuksan niya yung kwarto noong una, ‘Kuya wag kayong gagalaw, biglang nanutok.’ So may tama rin yung ating victim dito,” sabi ni Police Supt. Robert Baesa, hepe ng Tanauan City Police. Nagising umano ang may-ari ng bahay (na di binanggit ang pangalan) dahil sa ingay, at kinuha nya ang kanyang lisensyadong baril.

Ni-lock diumano ng may-ari ng bahay ang pinto ng kanyang kwarto, pero nakapasok pa rin ang suspect, at sila ay nagbarilan. “Kagandahan, naka-retaliate (gumanti) siya. Napatay nya yung suspect.” Dagdag ni Baesa. Tinamaan daw sa kanang balikat ang may-ari ng bahay, pero nabaril nya ng ilang beses ang magnanakaw, at ito nga ay namatay.

Ayon sa pulisya, may arrest warrant na pala si Villasanta galing sa Gumaca, Quezon sa kasong pagnanakaw. Napag-alaman na mayroon siyang mga kasabwat, na nag-aabang lang sa labas, pero mabilis silang nagtakbuhan matapos ang insidente, at tuluyang nakatakas.. Sa ngayon, tuloy ang imbestigasyon para sila ay maaresto at makulong.

Samantala, inaasahang hindi makakasahuan ng pagpatay ang may-ari ng bahay dahil ang ginawa nya ay masasabing self-defense lamang. Ayon sa Article 11 of the Revised Penal Code ng Pilipinas, walang pananagutin sa batas ang sinumang nakapatay dahil sa pagtatangol nya sa sarili nyang buhay. Sa madaling salita, hindi ito maituturing na krimen.

Comments

comments