Panoorin: 2 Menor de Edad na Ilang Beses Nang Nagnakaw ng Bike, Arestado Matapos Mahuli sa Akto (Video)

Isang babae at isang lalaki na kapwa menor de edad ang naaresto ng mga pulis sa Quezon City matapos nahuli ng mismong may-ari ng bahay na balak nilang nakawan. Ang siste, hindi pala ito ang unang pagkakataon na nagnakaw ang dalawa. Kitang kita sa CCTV ang mga ginawa nilang pagnanakaw. Panoorin ang GMA News video sa ibaba.

Ayon sa report, unang nakita sa CCTV ang menor de edad na lalaki ang nagnakaw ng mamahaling bisikleta sa 2nd floor ng isang bahay sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. noong nakaraang January 20. Habang itinatakas nya ang ninakaw na bike, isang babae na menor de edad din ang sumalubong sa kanya, at sabay silang dalawa na lumayo.

Noong February 17 naman, muling nahuli sa CCTV ang parehong 2 menor edad na nagnanakaw uli nga mamahaling bike. Naganap ang pagnanakaw sa Brgy. Sangandaan, sa parehong lungsod. At sa pagkakataong ito, tig-isa na sila nang bike na ninakaw. At nito lamang Linggo, March 12, tinangka nila uling magnakaw ng bike pero nahuli na sila.

Sa CCTV video, makikitang pinasan pa ng babae ang lalaki sa kanyang balikat para makaakyat nito ang gate ng isang bahay na balak nilang nakawan. Pero ang hindi alam ng lalaki, nakaabang na pala sa kabila ang may-ari ng bahay na isa palang licensed gun owner. Pag talon ng suspect, agad na siyang tinutukan nito ng baril.

Walang nagawa ang suspect kundi dumapa na lamang at sumuko, hanggang sa dumating ang mga pulis at siya ay inaresto, kasama ang babaeng kasabwat niya. Ang nasabing insidente ay naganap sa Brgy. Sangandaan din, at ayon sa may-ari ng bahay, malamang ang mamahaling bike ang target ng 2 menor de edad, na nalamang magkasintahan pala.

At dahil sa pagiging menor de edad ng mga magnanakaw, hindi pinakita sa video ang kanilang mga mukha, at hindi rin binanggit ang kanilang pangalan. Ayon din sa report, dinala ang magkasintahang kabataan sa pangangala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa QC. Pinagsisihan na daw nila ang kanilang mga ginawa.

Must Watch: * Batang Hamog Throws Rock to Jeepney Passenger Who Refused to Give Him Money (Video)

Ayon sa kasalukuyang batas na RA 9344 (Juvenile and Justice Welfare Act of 2006) na akda ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, bawal ikulong ang mga kriminal na kabataang 15 taon pababa. Sa ngayon, mayroon nang bill sa Kongreso upang ibaba ang ‘minimum age of criminal responsibility‘ sa 9 na taong gulang. Mahigpit ang tutol dito ang CBCP.

Comments

comments

No Responses