Panoorin: Mandurukot, Galit na Binalik ang Ninakaw na Cellphone sa Kanyang Biktima (Video)

Isang mandurukot ang galit na isinoli sa kanyang biktima ang ninakaw nyang cellphone. Ito ay matapos siyang habulin ng kanyang dinukutan at kinunan siya ng video. Naganap ang insidente kamakailan sa may overpass sa Fairview, Quezon City habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang nobya. Panoorin ang TV Patrol video sa ibaba.

Ayon sa ulat, isang ‘Robert’ ang napansin na may isang lalaking binubuksan ang zipper ng kanyang bag, kung saan nakalagay ang kanyang cellphone. Agad tumakbo ang suspect matapo makuha ang cellphone, at hinabol siya ng biktima. Inabutan ni Robert ang suspect na pasakay na sa isang UV Express, at sinita. Doon na siya nakunan ng video.

“Hinabol ko po, tapos kinapkapan ko. Sabi ko, ‘magnanakaw ka, yung cellphone ko ibalik mo.’ Siguro po, nakita nya na naka video siya. Kaya siguro nataranta siya. Sabi nya, ‘O ito na.’ Binalik niya nga po sakin.” Sabi ni Robert sa interview ni TV Patrol reporter Doland Castro. Isinoli ng suspect sa kanya ang cellphone nang mapansing kinukunan siya ng video, at mabilis itong lumayo.

Ang nobya ni Robert na si Cheska ang kumuha ng video, kung saan kitang kita ang mukha ng suspect. Positibo ding tinuro ng babae na ang lalaking habang galit na isinoli sa kanila ang cellphone ay ang mandurukot na nagnakaw nito. Agad sinumbong ng mga biktima ang pangyayari sa pulis, na agad pinuntahan ang lugar para hanapin ang suspect.

Ayon sa ilang nakatambay sa nasabing lugar, ang mandurukot ay kilala lamang sa pangalang Toto, na madalas daw makita na palakad-lakad lang at palingon lingon. Pina-blotter ng mga biktima ang magnanakaw. Pinaghahanap pa rin ng mga miyembro ng QCPD (Quezon City Police District) Fairview, at tinutukan na rin ang nasabing lugar.

Dapat Panoorin: * 2 Menor de Edad na Ilang Beses Nang Nagnakaw ng Bike, Arestado Matapos Mahuli sa Akto (Video)

Kami naman dito sa Taho News ay muling nagpapa-alala sa lahat na ingatan ang kanilang mga gamit kung sila ay nasa pampublikong lugar. Sang-ayon din kami sa pulisya na hindi ito ang tamang solusyon. Mas mabuti daw na i-report na lang ito agad sa awtoridad dahil ang mga ganitong magnanakaw ay madalas armado o kaya ay may kasamang kasabwat.

Comments

comments

No Responses