Pakinggan: 50,000 Contractual Employees, Regular na Ngayon, Ayon kay DOLE Sec Bello (DZMM Interview)

Nasa 50,000 contractual employees ang regular na ngayon sa kani-kanilang trabaho, mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pagmamalaki ni DOLE (Department of Labor and Employment) Secretary Silvestro Bello ngayong Lunes, May 12, 2017, Araw ng Paggawa. Matatandaang ang pagtanggal sa ENDO ay isa sa mga pinangako ng pangulo noong panahon ng kamapanya.

Sa panayam ni Kabayan Noli de Castro sa DZMM, sinabi ni Secretary Bello na karamihan sa mga contractual na manggawa na regular na ngayon sa galing sa mga kumpanyang kusang nakiisa sa kampanya ni President Durterte para buwagin ang ENDO. Sa kabila nito, mayroon din namang mga ilang mga kumpanyang pasaway pero napilitang sumunod sa utos ng DOLE.

Samantala, hindi naman itinanggi na kalihim na di pa agad maresolba ang problema sa contractualization sa mga malls. Ganunpamam, karamihan naman daw ng mall owners ay nagpakita ng effort na dahan-dahang alisin ang ENDO. Binanggit din nya ang pag-utos kailan lang ng DOLE sa PLDT sa gawaing regular ang kanilang 10,000 contractual employees.

At bagama’t pinapayagan sa batas ang mga kumpanya na kumuha ng manggagawa sa isang agency, iginiit ni Secretary Bello na bawal na bawal na ang kumpanya mismo ang may-ari ng agency, o tinatawag sa ‘in-house’ resources. Ito ay kahit na gawing pang regular ng isang kumpanya ang kanilang mga contractual employees.

Binanggit din ni Bello ang na maraming security guards na 12 hours ang trabaho pero wala pa sa minimum ang kanilang sweldoo. Mayroon nga daw nagreklamo sa kanyang babaeng security guard na nagsabing P2,000 ang kaltas sa kanila pag absent, at P1,000 namang pag na-late. Pinapatutukan daw ni President Duterte sa DOLE ang mga ganitong problema.

Pero sa kabila ng dami ng kumpanyang binabantayan ng DOLE, inamin ni Secretary Bello na kulang na kulang ang kanilang mga inspector na mayroong lamang 500. Ayom sa kanya, hindi talaga sapat ang kanilang bilang para mainspeksyon ang 1 milyong business establishments at kumpanya sa buong bansa.

Dahil dito, hinihiling ni Bello ngayon ang tulong ng mga labor unions. Aniya, iimbitahan ng DOLE ang audit teams ng mga ito upang mas maging maayos mas mabilis ang pagi-inspeksyon sa mga kumpanya, at makatiyak na sumusunog ang mga ito ang labor laws ng ating bansa.

Comments

comments