Noynoy Aquino, Kinontra si Pres Duterte sa SAF44 Issue, Iniligtas ang Sarili at Sinisi si Napenas

Kinontra ni former President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang mga sinabi ni President Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng pagkakapatay sa 44 na myembro ng PNP Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, dalawang taon na ang nakakaraan. Ayon sa dating pangulo, walang ibang taong dapat sisihin kundi si noon ay SAF Chief Getulio Napeñas.

Sa isang napakahabang post sa kanyang official Facebook page nitong Huwebes, January 26, sinagot ni Noynoy Aquino ang ilang mga tanong tungkol sa Mamasapano clash, na naganap noong January 25, 2015. Aniya, hindi daw sana napatay ang SAF 44 kung sinunod lamang sana ni Napeñas ang kanyang lohikal at legal nyang mga utos.

“Inutusan ko si Napeñas na kailangan niyang makipag-coordinate sa AFP para maihanda ang mechanized units, artillery, eroplano, tao at iba pang assets na kailangan para hindi mangyari ang pintakasi.” Sabi ni Aquino, pero ayon daw sa resulta ng imbestigasyon pagkatapos ng Oplan Exodus, higit 70 lang ang ipinadala at 54 sa kanila ang operators.

Dapat Basahin: * Kris Aquino, Na-Snub Nang Dumalaw sa Lamay ng SAF 44

Dagdag ni Aquino, wala siyang kinausap na Amerikano tungkol sa nasabing operasyon bago ito maisagawa at habang ito ay isinasagawa. Giit pa nya, hindi siya nakialam sa P5-M reward na galing sa US, at hindi nya alam kung saan ito napunta. Hindi rin daw siya pinigilan ni noon ay Presidential Adviser on the Peace Process, Secretary Ging Deles.

Kung may kasalanan po ako bilang Pangulo nung panahong iyon, ito po: ni minsan, hindi pumasok sa isip kong magagawa ni Napeñas na magsinungaling sa Pangulo ng Pilipinas. Pinagkatiwalaan ko ang isang two-star police officer, na ako pa mismo ang nagpromote.” Sabi ni Noynoy Aquino sa huling parte ng kanyang paliwanag, at ipinagtanggol ang sarili.

Dapat Panoorin: * Napeñas, Umalma kay Noynoy Aquino sa SAF 44 Issue, Tularan Daw si President Duterte (Video)

Noong nakaraang Martes, kinausap ni President Duterte ang mga naulila ng SAF 44 at sinabing ipinakain ni Noynoy Aquino ang mga ito sa kuta ng mga leon, at hindi na lumabas ang katotohanan. Kasabay nito, inutusan niya si Philippine National Police (PNP) chief Director-General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na mamuno sa panibagong imbestigasyon.

Comments

comments

No Responses