NagaLeaks: Yumaong DILG Sec Jesse Robredo, May Mistress at Mga Anak sa Labas, at Alam ni VP Leni Robredo?

May mistress (kabit) diumano si yumaong DILG Secretary Jesse Robredo, at may mga anak din daw ito sa labas. Ito ay ayon sa pinakahuling post ng We are Collective ngayong Lunes, March 6 sa kanilang NagaLeaks series. Alam nating lahat na si Vice President Leni Robredo ang balo ni Jesse, na namatay sa aksidente noong August 18, 2012.

“Habang nakangiti si Leni sa burol ng asawa may mangilan ngilan na mas umiyak pa. Mistresses ng yumao, kung saan may mga anak ito na naiwan. Isa na dito si Dalisay J. Na kapatid ni Ligaya. O Leni, tamaan pa kami ng kidlat kung nagsisinungaling kami! Wag mong sabihing hindi mo alam ito.” Sabi sa post ng We are Collective Facebook page.

“At ito namang Ramon Magsaysay Award. Ba’t di kayo nagsaliksik nang maigi bago kayo nagbibigay ng parangal sa isang tao? Kung alam nyo ba na may 12 kabit at anak sa labas itong si Jesse paparangalan nyo parin at ituturing na kapitapitagan?” Sabi sa huling bahagi ng Facebook post, na caption sa photo ng labi ng yumaong DILG secretary.

Must Read: * NagaLeaks: VP Leni Robredo’s Brother In Law, Jesse Robredo’s Brother, Alleged Biggest Drug Lord in Naga

Sa nasabing larawan, makikita ang ilang myembro ng Liberal Party (LP) at gabinete ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino, si dating VP Jejomar Binay, at si Leni Robredo na noo’y isang simpleng may-bahay lang ni Jesse. Ayon sa imbestigasyon, nag-crash ang eroplanong sinasakyan ni Jesse Robredo habang pabalik ito sa Naga City.

Must See: * House of Jesse Robredo’s Mistress, Courtesy of P25 Million From Leni Robredo, WAC Says

Sa kanyang pagpanaw, marami ang nagluksa dahil sa image ni Jesse na simpleng tao lang, na madalas naka T-shirt, shorts, and tsinelas lamang. Sinasabing ito ay naging malaking tulong para manalo si Leni Robredo bilang kongresista sa 3rd district ng Camarines Sur noong 2013, at bise-presidente nitong 2016 presidential elections.

Pero pagdaan ng mga taon, maraming haka-haka na diumano pinapatay si Jesse Robredo dahil sa nadiskubre nitong illegal drugs trade, na sangkot daw ang ilang PNP generals at cabinet members ni Noynoy Aquino. Sinasabi din na nag-iimbestiga si Jesse tungkol dito at binanggit nya ito kay Aquino, pero tila nakasama na sa libing ang isyung ito.

Must Read: * NagaLeaks Exposes ‘Deception’ of Late DILG Sec Jesse Robredo, VP Leni Robredo Denies Allegations

Credit: We are Collective Facebook

Must Read: * VP Robredo Plans to Sue ‘We Are Collective’ Over Hidden Wealth, Corruption Allegations vs Jesse Robredo

Sa nakaraang NagaLeaks posts ng We are Collective, sinasabing may mga tagong yaman si Jesse Robredo, at kanyang kapatid nyang lalaki na si Jose ‘Butch’ Robredo daw ang pinakamalaking drug lord sa Naga. Itinanggi na ito ni VP Leni Robredo. Sa ngayon, wala pa siyang comment tungkol sa pagkakaroon daw ni Jesse ng mga anak sa ibang babae.

Comments

comments

No Responses