Mga Sikreto at Tips Kung Paano Manalo sa Jack en Poy o Bato Bato Pick, Ayon sa mga Experto

Sa buong mundo, wala yatang hindi nakakaalam kung paano laruan ang Jack en Poy o Bato Bato Pick, na kung tawagin sa English ay Rock Paper Scissors (RPS). Pero ang hindi alam ng marami sa atin, may mga experto sa larong ito, at pinag-aralang mabuti kung paano manalo ng walang daya. Basahing mabuti ang kanilang mga tips, at subukan.

Pero bago yun, ang Eat Bulaga na longest-running noontime show sa bansa ay may bagong pakulo – ang Jackpot en Poy, na kung saan ang jackpot prize ay tumataginting na P100,000. Ito ay napalanunan na ng gay beauty queen na si Queen Bolong nito lang Lunes, January 23. Pero ang tanong, tsamba lang ba talaga ang kanyang pagkapanalo?

Ayon sa World RPS Society na itinatag noong 1842 at ang kanilang headquarters ay nasa Toronto, Canada, may mga sikreto kung pano manalo sa Jack en Poy na pwede at madaling matutunan. Sinasabing ang mga techniques na ito ay ginamit na sa mga nagdaang RPS World Championships, at isa mga kilalang champions ay si Tim Conrad.

Alam nating lahat na ang bato (rock) at panalo sa gunting (scisssors), at talo naman ng papel (paper). Samantalang ang gunting naman ay panalo sa papel. Madalas na laban ay best-of-three, kaya dapat manalo ka ng at least 2 beses. Ang tanong, ano ang mas magandang itira sa unang laban, at ano naman ang mas magandang itira sa mga susunod na laban?

Base sa infogrpahic ng World RPS Society, ang madalas na unang tinitira ng mga lalaki ay bato. So kung lalaki ang makakalaban mo, mas maganda na ang itira mo ay papel. Pero kung bihasa na sa Jack en Poy ang makakalaban mo, malamang daw ay papel ang kanyang unang ititira. Dahil dito, mas may chance kang manalo kung gunting ang itira mo.

Tandaan, kung matalo ka man sa unang laban, may 2 chance ka pa para manalo. Sabi ng mga experto, ang gunting ay 35% na itinitira, ang bato ay 34.5%, at ang papel naman ay 29.6%. Mas madalas din daw na gagamitin ng nanalo sa susunod na laban ay ang kanyang ginamit sa unang laban. Ang tip na ito ay pwede mong gamitin para makabawi.

How to Win sa Jack en Poy; Credit: World RPS Society

Kung sasali ka sa Jackpot en Poy ng Eat Bulaga, sa elimination round ay may 4 na manlalaro. Kung matalo mo ang ka-match mo, makakalaban mo ang nanalo sa kabilang match. Kung ikaw ang nasa ikalawang match, pag-aralan mo ang laro ng mga nauna para kahit paano ay may idea ka na kung pano manalo at makarating sa jackpot round.

Good luck!

Comments

comments