Lascanas, Iginiit na May Pinatay Siyang Dance Instructor, Umaming Suportado ng Mga Obispo (Video)

Iginiit ng retiradong pulis na si SPO3 Arturo Lascañas na may pinatay siyang dance instructor (DI), gaya ng binanggit nya sa nakaraang Senate hearing. Inamin din nya na suportado siya ng ilang mga miyembro ng Simbahang Katolika, lalo ang mga obispo. Panoorin ang exclusive interview video sa kanya ni Karen Davila sa ANC Headstart.

“Kung sino yung in-abduct namin, na sinabi nya (Duterte) na dance instructor.” Sabi ni Lascañas kay Karen Davila. Matatandaang sinabi ng dating pulis sa kanyang testimonya na pinatay nya ang isang Ruben Borja Baguio, na dance instructor ni Jocelyn Duterte, kapatid ni President Rodrigo Duterte. Halos 200 katao na daw ang kanyang pinatay.

Ayon kay Lascañas, pinapatay daw ni noo’y Mayor Duterte ang nasabing dance instructor dahil nakikipag-date daw ito kay Jocelyn. Pero nitong Martes, nagpost si Ruben Borja Baguio sa Facebook, at sinabing buhay na buhay siya, at hindi siya pinapatay ni Duterte.

Must Watch: * Sen Trillanes Says a Catholic Priest Approached Him For Lascanas’ New Statement (Video)

Depensa naman ni Lascañas kay Davila, posible daw na ibang dance instructor ang kanilang napatay, at hindi si Baguio. Dagdag pa niya, ang alam daw nya, isa si Edgar Matobato sa mga pumatay sa DI. Ito ay sa kabila ng sabi ni Jocelyn (Duterte) na isa lang ang naging DI nya mula 2007 hanggang sa kasalukuyan, at walang iba kundi si Baguio.

Sa pareho ding panayam, inamin ni SPO3 Lascañas na suportado siya ng ilang miyembro ng Simbahang Katoliko. Sabi nya, sinamahan daw siya ng mga madre sa isang pari noong December 22, 2016, matapos siyang magretiro. Ito ay para ibigay daw dito ang kanyang sulat-kamay niyang estimonya. Hindi nya binanggit ang pangalan ng nasabing pari.

Must Read: * 5 Obvious Reasons Why Matobato’s ICC Case vs President Duterte is BS and Will Not Prosper

Matandaang unang tumestigo si Lascañas sa senado noong October 2016, at sinabi nyang hindi totoo na may DDS (Davao Death Squad) at malinis ang pangalan ni Duterte. Pero nito lang February 20, sa isang press conference kasama si Senator Antonio Trillanes IV, binaligtad nya ang kanyang testimonya dahil nagkaroon daw siya ng ‘spiritual awakening.’

Must Read: * 5 Facts Proving That SPO3 Arthur Lascanas is Telling Lies in His New Statements on DDS, Duterte

Noong Lunes, March 6, muling humarap si Lascañas sa senado, at nagbigay ng mga diumanong mga detalye ng pagpatay sa utos ni Duterte, kabilang ang DI ni Jocelyn Duterte. Sa huling parte ng panayam sa kanya ni Karen Davila, sinabi nyang ipapatay daw siya ni Duterte, pero pakiusap nya, huwag lang daw idamay ang kanyang mga mahal sa buhay.

Comments

comments