Korina Sanchez Nagbanta, “Magbabayad Lahat ng May Atraso sa Atin This Year”

Nagbanta si Korina Sanchez sa lahat ng taong nagka-atraso sa kanya at sa asawa nyang si Mar Roxas ngayong 2016, at sinabing magbabayad silang lahat. Matatandaang marami ang bumatikos sa kanya at kay Mar, na tumakbong presidente nung nakaraang eleksyon. Tinalo siya ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na may higit 16 milyong boto.

“From my family…Mar and me… a blessed christmas and productive 2017 to all of you who continue to believe…na kalabaw lang ang tumatanda. At magbabayad lahat ng may atraso sa atin this year. Hahaha!” Sabi ni Korina Sanchez sa post nya sa kanyang official Facebook page noong December 24, bilang Christmas message para ngayong 2016.

Ayaw namin dito sa Taho News na lagyan ng malisya ang kanyang tahasang pagbabanta ni Korina. Gusto sana naming isipin na baka ang sinasibihan nyang, “magbabayad lahat ng may atraso sa atin,” ay mga taong nagka-utang lamang sa kanya ng pera ngayong taon, at gusto nya silang singilin. Maaari din naman kasi na nagbibiro lamang siya, di po ba?

Must Watch: * Korina Sanchez Says Roxas vs Duterte is Battle Between Good and Evil (Video)

Kaya lang, napansin namin na halos lahat ng nag-comment sa kanyang post na ito ay nagalit at nainis sa kanya. Hindi nila nagustuhan ang pagbabanta nito, lalo na at matagal na siyang TV news anchor at program host sa ABS-CBN. Sa kabilang banda, nagpost din ang ilang supporters nya, at binati silang dalawa ni Mar ng “Merry Christmas.”

Matatandaang balak tumakbong pangulo ni Mar Roxas noong 2010, pero pinagbigyan nya ang kaibigan at ka-partido sa Liberal Party (LP) na si Benigno “Noynoy” Aquino III. Ito ay dahil sa hiling daw ng mga tao nang pumanaw si dating President Corazon “Cory” Aquino. Sa huli, tumakbo si Mar bilang running mate ni Noynoy pero tinalo siya ni Jejomar Binay.

Na-appoint si Mar Roxas bilang Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary noong 2012, kapalit ni Jesse Robredo na namatay sa isang plane crash. Dito na pinaniniwalaang tuluyang nasira ang image nina Mar at Korina sa publiko, dahil sa ibang ibang mga kontrobersya noong kasagsagan ng Typhoon Yolanda noong November 2013.

Must Watch: * Korina Sanchez Says Typhoon Ruby Should Hit Japan Instead, Anderson Cooper Reacts (Video)

Nitong May 2016 elections, tumakbo si Mar Roxas bilang pangulo, at inaasahan na sana siyang manalo. Pero sumulpot si Mayor Duterte na sumikat nang husto dahil sa kanyang masidhing pagnanasa na labanan ang illegal drugs at corruption sa gobyerno. Dahil dito, tuluyang naglaho ang pangarap ni Korina Sanchez na maging First Lady ng Pilipinas.

Comments

comments

No Responses

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *