Facebook Troll na Nagbanta sa Isang Fiscal at mga VP Robredo Critics ay Supporter ni Sen Bam Aquino?

Isang tinaguriang social media troll na gumagamit ng mga fake Facebook accounts na nananakot sa mga kritko ni Vice President Leni Robredo at ng isang fiscal ang nakilalang isa diumanong supporter ni Senator Benigno ‘Bam’ Aquino IV. Ang rebelasyong ito ay ayon sa mga netizens na nagtulong-tulong para tuklasin ang tunay na identity ng suspect.

Ayon sa mga Facebook posts ni Darwin Cañete na isang prosecutor sa Caloocan City, nakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay mula sa isang netizen na nagngangalang Ryan Yap. Sabi ng suspect sa mga threats nya, pupuntahan daw nya ang bahay ng fiscal sa hatinggabi at hahagisan nya ito ng granada, at idadamay pa nya ang kanyang pamilya.

Sinasabing nagnakaw si Ryan Yap ng mga litrato mula sa Facebook ng isang Magno Menderico, at ito ang ginamit nya para itago ang kanyang tunay na identity, at para makapanakot sa mga kritiko ni VP Leni Robredo. Sa isang Facebook post ni Menderico, sinabi nyang ninakaw nga kanyang litrato at ginamit sa isang fake Facebook account.

Matatandaang naging viral na rin si Ryan Yap noong March 2016 bilang isang hokage dahil umano sa kanyang pakikipag-date sa iba’t ibang magaganda at batambatang mga dalaga. Matatandaan siniraan din nya si President Duterte noong kampanya ng nagdaang eleksyon, gamit ang isang fake account na may pangalan at litrato ni Magno Menderico.

Sa pagsasaliksik ng ilang concerned netizens, natagpuan nila ang Facebook account ng isang Ryan Gabison sa Facebook na may mga larawang kamukhang kamukha nya si Ryan Yap. May mga larawan din siya doon na nangangampanya siya para kay Sen. Bam Aquino noong 2013 elections. Ang nasabing Facebook account ay active pa sa ngayon.

Credit: Darwin Cañete Facebook

Credit: Ryan Gabison Facebook

Samantala, ayon sa latest Facebook post ni Fiscal Darwin Cañete na may koneksyon din sa NBI Cybercrime Division, hindi nya daw titigilan sa paghahanap sa tunay na katauhan at address ni Ryan Yap, at kanya itong ibubulgar sa social media. Titiyakin nya daw na di ito makakapagtrabaho o makakaalis ng bansa, at mananagot sa kanyang mga kasalanan.

Comments

comments