DSWD Relief Goods para sa Typhoon Nina Victims sa Bicol, Binawasan Muna Bago Ipamigay?

Ilang larawan ng mga Typhoon Nina victims sa Bicol ang kumakalat ngayon sa Facebook na tila kaduda-kaduda. Ayon sa mga netizens na nagrereklamo, tila hindi nasunod ang tamang pamimigay ng relief goods na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bakit parang may malaking bawas na muna bago ito ipinamigay?

Ayon sa DSWD, isang box ng relief goods ang ipamimigay sa bawat pamilya. Ang laman ng box ay 6 na kilong bigas, 4 na lata ng sardinas, 4 na lata ng corned beef, at 6 sachets ng kape. Pero sa isang barangay, kita sa larawan na ang mga tao ay hindi kahon ang dala, kundi isang yellow plastic bag na may 2 kilong bigas at 2 lata ng sardinas na lang.

Bagamat hindi pa namin ma-confirm kung kailan at kung saan kuha ang mga larawan, may mga nagsasabing ito ay sa Barangay Sugcad, Polangui, Albay. Kung totoo ito, isa itong maliwanag na pagnanakaw ng relief goods na pinaghirapang ire-pack para lamang matulungan ng gobyerno ang mga pamilyang naging biktima ng Bagyong Nina sa Bicol.

Must Read: * VP Leni Robredo Meets Loida Nicolas-Lewis in New York While Typhoon Nina is Slamming Bicol Region?

At kung sino man ang nag-utos nito, kailangan nyang ipaliwanag mabuti kung bakit hindi ang buong box ng relief goods ang pinamimigay. Ganumpaman, hindi din namin sigurado kung ang mga larawan ay talagang mga biktima ng Bagyong Nina, o kaya ay luma na at kuha pa noong panahon pa ni dating DSWD Secretary Corazon Victoria ‘Dinky’ Soliman.

Alam nating lahat na bukod sa illegal drugs, priority din ni President Duterte na labanan ang corruption sa lahat ng sangay ng gobyerno hanggang sa mga barangay. Sa puntong ito, hiniling namin na paimbestigahan ni DSWD Secretary Judy M. Taguiwalo kung talagang binawasan muna ang relief goods bago ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo.

Nanawagan din kami sa mga netizens na maging mahinahon at mapanuri. Alam natin na hindi lahat ng lumalabas sa social media ay totoo, at maaaring gawa-gawa lang ng mga taong gustong manira. Pero kung sakaling mapatunayang may pagnanakaw na naganap, naniniwala kami na dapat lang na kasuhan ang Barangay Captain at lahat ng sangkot dito.

Comments

comments