Confirmed: Kris Aquino May TV Show sa GMA, Katapat ng GGV, President Duterte Interview Tuloy Na?

Kumpirmadong balik-Kapuso na si Kris Aquino, na magkakaroon ng isang TV show na itatapat diumano sa Gandang Gabi Vice (GGV) ni Vice Ganda sa ABS-CBN. Matatandaang unang lumabas sa TV si Kris sa GMA Network bago siya napunta sa Kapamilya network. Pero ang tanong ng marami ngayon, tuloy na ba ang interview nya kay President Duterte?

Ayon kay Ricky Lo sa kanyang column sa Philstar ngayong Sabado, March 4, ang pangalan ng show ni Kris Aquino sa GMA ay ‘Trip ni Kris.’ Anya, hindi ito regular show kundi isang TV special lamang, at ito daw ay isang ‘cooking and travelling’ show. Dumano, ang show ni Kris ay ipapalabas sa Linggo, March 26, kapalit ng SNBO, katapat ng GGV.

Sa isang video post ni Kris sa kanyang official Instagram at Facebook page nya nitong Biyernes, mapapanood ang kanyang paghahanda sa kanyang TV show. Makikita din na may pinuntahan siyang lugar, at dimunog siya ng kanyang mga fans na taga-roon.

“I missed this work, I missed meeting new people & learning about their lives- most of all I missed the smiles that greeted me every time I was taping on location… my months away from TV work taught me to truly be GRATEFUL FOR TODAY & thank God & thank all of you for the BLESSING of living & loving my life. #TripNiKris.” Sabi ni Kris sa caption.

Samantala, maraming netizens ang nagtatanong ngayon kung tuloy na nga ba ang naudlot na interview ni Kris kay President Duterte. Matandaang nabalita noong November 2016 ay naka-schedule na mangyari ito. Ang nasabing interview ay inabangang magyari, at nai-announce na mga malalaking pahayagan at sa TV ads, lalo na s TV5 at PTV4.

Ayon sa Malacañang, hindi nakarating si President Duterte dahil sumakit ang kanyang ulo. Dahil dito, halatang nalungkot si Kris.” Minsan ang mga first date hindi natutuloy. President Duterte pinaghandaan kita, nag-dyeta ako ng dalawang linggo. President Duterte, please give me a chance. I hope one day mamahalin mo rin ako.” Sabi nya sa isang event.

Must Read: * 5 Wonderful Things to Happen Once Kris Aquino Leaves the Philippines

Sa ngayon, hindi pa alam kung mag kasunod pa ang TV special ni Kris sa Kapuso network. Ang tinaguriang Queen of All Media ay nasa ilalim ng management ni Antonio P. Tuviera (Mr. T.), head ng APT Entertainment. Dahil dito, marami ang umaasa na matutuloy din ang interview nya kay President Duterte, lalo na at mainit ang isyu ngayon sa politika.

Comments

comments