Bintang ni Napoles kay Sen De Lima na P8M Extortion, Posibleng Imbestigahan sa Senate Hearing

Posible umanong imbestigahan sa isang Senate hearing ang bintang ni Janet Lim Napoles kay Senator Leila de Lima ng pangigikil ng milyones kapalit ng pagbasura sa kaso nyang serious illegal detention laban sa kanyang pinsan at whistleblower na si Benhur Luy. Si Lim ang tinaguriang pork barrel queen, at mastermind diumano ng PDAF scam.

“Wala naman po talagang illegal detention na nangyari. Ito po ay extortion lamang. Dismissed na po ang kasong ito sa DOJ (Department of Justice) noon pa,” Sabi ni Napoles sa isang ambush interview sa Sandiganbayan nitong Lunes, March 6. Tinukoy niya si Sen. De Lima na sumubok daw na kikillan siya noong ito ay Justice secretary pa.

Hindi binanggit ni Napoles kung magkano ang ibinigay niya kay De Lima, pero sabi niya, marami pa raw ibang nagtangkang mangikil sa kanya. Hindi rin niya binanggit kung sinu-sino ang mga ito. Ayon sa sources ng GMA News, P50 million daw ang tinangkang hingin kay Napoles pero P8 million lang daw ang ibinigay nito kay De Lima. Hindi binanggit kung kelan.

Must Read: * Julieta de Lima, CPP Founder Joma Sison’s Wife, to Help Kin Sen de Lima be Released From Jail?

“Not everything that comes from a polluted source, especially a convicted criminal serving a prison sentence, with nothing to lose and who will do anything to get out of prison, is worth reacting to. Napoles’ allegation that I extorted, or attempted to extort, money from her is one of them.” Sabi naman ni De Lima sa isang Facebook post, Lunes ng hapon.

“I will not be surprised if her present government handlers are now telling her what to say and who to implicate in exchange for her liberty which has already been promised her by the Solicitor General.” Dagdag niya, na ang tinutukoy ay ang ginawang pagrekomenda ni Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals para mapawalang sala si Napoles.

Must Read: * Sen Leila de Lima Denies Sucide Attempt Reports, “If I Die Inside Prison, Duterte Ordered me Killed”

Inaresto si De Lima noong February 24, at nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Si Napoles naman ay inaresto noong August 28, 2013, at nagbubuno ng life sentence sa Correctional Institution for Women, sa Mandaluyong City. Ayon sa aming source,hindi pa tiyak kung magkakaroon nga ng Senate hearing tungkol sa bintang ni Napoles.

Comments

comments

No Responses