Archbishop Oscar Cruz kay President Duterte: “Huwag Mong Kalabanin ang Simbahan, Hindi ka Tatagal”

Muling pinagtanggol ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz ang Simbahang Katoliko laban sa pambabatikos ni President Rodrigo Duterte at ng mga taga-suporta nito. Pero sa pagkakataong ito, tila tinakot ng dating president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at pangulo, at sinabing hindi ito tatagal sa kanyang laban.

“Marami nang tumuligsa diyan, kaliwa’t-kanan. Lahat ng mga iyon, nakabaon na, six feet under the ground, yung Simbahan andiyan pa rin. Ang ibig kong sabihin, isang aral ang matingkad dito, huwag mong kalabanin ang Simbahan, hindi ka tatagal.” Sabi ni Bishop Cruz sa panayam sa kanya ng Radyo Inquirer, bilang paalala sa mga kritiko ng Simbahan.

Base sa kasaysayan, marami nang personalidad at grupo ang tumuligsa sa Simbahang Katoliko sa buong mundo sa mga nagdaang panahon. Dito sa Pilipinas, kilala ang ating pambansang bayani ni si Dr. Jose Rizal na bumatikos sa mga pralye noong panahon ng Kastila. Pero ayon kay Bishop Cruz, matatag pa rin ang Simbahan at hindi ito magigiba.

Must Read: * San Pedro, Laguna Churchgoers Being Forced to Sign Petition to Impeach President Duterte?

Sa ilang pagsasalita, pinaratangan ni President Duterte na may mga asawa ang ilang pari at obispo, at siya din daw mismo ay naging biktima ng sexual harassment ng mga pari. Inamin naman ni Bishop Cruz na dumami na ang mga tumalikod na sa pagiging Katoliko, pero maliit lang daw ang bilang nila at lagi pa rin naman puno ang mga simbahan.

Nagsimula and hindi magandang relasyon ni President Duterte at Simbahang Katoliko noong panahon pa lang ng kampanya sa eleksyon. Sinabi ng CBCP na nangangamba sila na marami ang posibleng maging biktima ng EJKs (extrajucial killings) dahil sa plano ng pangulo na maigting na kampanya kontra droga, at ito nga ang nangyayari ngayon.

Dapat Panoorin: * Mga Pang-aabusong Sexual ng mga Pari, na Pinagtakpan ng Catholic Church (Documentary Video)

Nito lang Linggo, isang pastoral letter mula sa CBCP ang binasa sa lahat ng simbahan sa buong bansa. Sa nasabing sulat, binanggit ang diumanong takot na nararamdaman ng mga tao ngayon, lalo na ng mga mahihirap, dahil sa mga napapatay na drug suspects na walang due process. Samantala, hati naman ang mga Katoliko tungkol sa EJK cases.

Comments

comments

No Responses