ABS-CBN Cameraman Arestado sa QC Matapos Mahulihan ng Shabu, ABS-CBN Naglabas ng Statement

Arestado ang isang cameraman ng ABS-CBN matapos siya mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na ginawa ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay South Triangle, Quezon City nitong Biernes, December 30. Kinilala ang suspect na si Anthony Martin. Naglabas naman ng official statement ang ABS-CBN tungkol dito.

Ayon mismo sa report ng ABS-CBN News, isang tauhan ng Cubao Police Station Anti-Illegal Drugs ang nagpanggap na buyer ng shabu, at nakumpirma na nakabili nga ito ng shabu mula kay Martin, na nagkakahalagang 3,500 pesos (P3,500). Bukod sa shabu, nahulihan din ang suspect ng drug paraphernalia at ang marked money na ibinayad sa kanya.

Matapos maaresto, itinanggi ni Anthony Martin na siya ay pusher ng shabu at sinabing hindi nya alam na shabu ang dala nya. Aniya, napag-utusan lamang daw siya ng isang nagngangalang ‘Buddy’ na dalhin ang package, kapalit ng pangakong papahiramin daw nito ng pera. Hindi naman kinagat ng pulisya ang alibi ng ABS-CBN cameraman.

Para sa mas malalim na imbestigasyon sa kaso, dinala agad sa Quezon City Police Station 7 si Anthony Martin, na nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012. Sa ngayon, hindi pa malinaw ang tunay na katauhan nung ‘Buddy’ at kung sino pa ang sangkot dito.

Kaugnay nito, naglabas ng official statement ang ABS-CBN na nagsasabing hindi daw nila kailanman kukunsintihin ang sino man sa kanilang empleyado na gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Nangako din ang Kapamilya network na makikipagtulungan sa awtoridad sa pagkakasangkot ng kanilang cameraman.

“ABS-CBN has a drug-free workplace policy and does not tolerate the use and distribution of illegal drugs by any of its employees. We will ensure that any of our employees proven to be engaging in illegal drugs will be subject to company policy. We are cooperating with the authorities on this matter,” Sabi ng ABS-CBN sa kanilang official statement.

Comments

comments